Maginoo pero parating BASTOS!
Yo! Ako si Vernon. Gago-next-door since 1992.

Ito ay isang humor-personal blog kung saan naglalaman ng mga kahindikhindik, nakamamatay, mga may bahid ng malisyang kuro kuro ng aking munting magulong utak.

Kung lalandiin mo lang ako, wag mo na akong kuya-hin. Naniniwala ako na ang pagpapalago ng bulbol ay hindi isang negosyo. Walang puhunan don friend, malas ayon sa feng shui.


Photos are not mine unless stated otherwise.
---------------------------------------------------
Flag Counter
Humor - Top Blogs Philippines

Mga kwentong pak na pak, Oh anong throwback! - I

Madami tayong kapalpakan sa buhay. Sa kaso ko, naaalala ko pa lahat ng iyon. Bawat. Isa.

Naaalala ko dati noong bata pa ako not too long ago ay naglalaro ako ng Sims sa kwarto ng ate ko. Bale yung Sims ay nalalaro ko gamit ang playstation tas nakasaksak yun sa super laking TV ni ate na mapapa-WHOOOA ka sa laki!

As in luluwa ang mata mo….

image

Sa mga di nakakaalam, ang sims ay laro na parang bahay bahayan kung saan gagawa ka ng tao at bahay tas pwede mo silang patayin, gawing successful unlike ng buhay mo, dalin sa tamang landas, manglandi ng limang tao na ginagawa mo sa tunay na buhay at kung ano ano pa.

Siyempre may part sa sims na tinatawag na "WooHoo", kung saan yung babae at lalaki ay gagawa ng loombands sa kama tas biglang lalabas si Willie Revillame at kakanta ng “Iyugyug mo”.

Tas nakakumot sila para di makita kasi kakaibang techniques ng paggawa ng loombands. Bago ka magreklamo kung bakit, isipin mo naman na kung ang 11 spices ng KFC di mo pwedeng malaman, yun pa ba! Kung ang feelings ng taong gusto mo para sayo di mo malaman, yun pa ba! Wala. Kang. Karapatan. Wala! WHAAAAT!

Kaya kapag kelangan nilang mag-“WooHoo” para makadami ng loombands, nilolock ko ang kwarto ni ate kasi ano na lang ang iisipin nila! Ang ganda ng re-puta-syon ko bilang huwarang anak na puno ng karangalan! Walang bahid ng malisya. Mabait. Dalisay. Mayumi.  

Hanggang isang araw, walang tao sa bahay kaya para maramdaman ko ang laro ay nilakasan ko ang volume tas naglock ng pinto. So, habang nag-“WooHoo” na ang  players ko ay biglang kumatok si ate sabay sabing….

"Hoy, ano ginagawa mo? Bat ganyan ang tunog? Oy buksan mo ‘to may kukunin ako sa kwarto!"

Susmaryosep pater noster qui es in caelis ASDFGHJKL! Naitawag ko na talaga lahat ng santo at winish ko pa na "Lupaaaaa! Kainin mokooooo! Araaaaw! Ievaporate akoooo! Ngayon diiiiin!"

Kaso asa second floor pala ako at may bubong so wala, di ako masasagip ng mga elemento. 

Kinabahan ako. Pinagpawisan ng malamig. 

"Hoy! Buksan mo!"

Shet. Shet. Shet. Shet. Wala akong choice. This is it, pancit. Now or never. Goodbye karangalan. Goodbye good image. From di makabasag pinggan to basagulero. This is the end of me, I’ll be less of a person, a second rate trying hard….. WHAT.

At nang binuksan ko…..

..

*dug dug* *dug dug* (Tibok yan ng puso)

..

"Bat antagal mong buksan, ano bang ginagawa mo…….. AYYYYY! Isusumbong kita kay Daddy! Daddyyyy!"

..

.

.

Naihi ako sa kwarto ni ate.

At dahil jan, umalis siya para hanapin ang tatay ko at di niya nakitang nagkakantu~ este gumagawa ng loom bands ang sims ko. Ligtaaaaas! Nature, you saved me! At pinatay ko na ang playstation. Never again. Neverrr!

LESSON: Wala. Ang lesson siguro ay wag magexpect na may lesson ang bawat kwento. Masama mag-expect. Masakit. Lalo na sa pagmamahal.

21 September 2014

Hindi niyo siguro napapansin ang post na ito pero kapag bored ako, sinasaksak ko ang daliri ko sa laptop at nagiging usb ako bigla. 

7 September 2014

Usapang Playlist.

Isa siguro sa mga weird things na ginagawa ko ay gumawa ng mga playlist para sa bawat moment ng buhay ko o para sa ibang tao. Habang ang iba ay kuntento na sa “Party!” o “Rock” ako naman ay may mga para sa espesyal na rason….

May true love pa nyeta”- Wag mawalan ng pagasa friend. Habang may buhaaaay…. habang may buhay….

"Tangina walang pagibig" - Joke lang, feeling mo naman. Kalokohan lang yan.  

"Ge iyak lang" - Para sa mga panahong sinusumpong ka dahil nagiinarte ka lalo na pag ber months na kala mo naman may lovelife ka. Kung meron tas nagbreak, ge iyak lang. Kung wala, ge iyak lang lalo.

"Adele wants you to know…." - May sasabihin siya, isapuso ang bawat salita. Hindi porque di pusa si Hello Kitty, magkakatrust issues ka na, dito makakaasa ka.

"Oplan: buhay kaluluwa" - Pang jogging, pwede ding pang alas tres ng umaga at ginagawa ang homework mo na deadline mamaya tas inaantok ka.

"Awkward moment playlist" - Kapag maaga ka sa room tas ayaw mo kausapin prof mo, pag pangit katabi mo sa bus, kapag nagsusuffer ang so called friends mo sa verbal diarrhea at kapag may nagawa kang kababalaghan tas asa kwarto magulang mo.

"Banyo superstar" - Kapag pinasampol hiya hiya, pag asa banyo buga ng buga. 

"90’s rakenrol" - Eheads, parokya, mga hindi patweetums na kanta.

P.P.A.S.C (Pindot pag andjan si crush)” - Para kunwari soulmate kayo pero stinalk mo talaga siya tas magugulat sya na alam mo ang song.

"Willie Revillame Greatest Hits"  (a.k.a ang playlist pag may reunion / birthday / christmas party na nagiinvolve ng mga kamaganak mo na dapat wholesome ang kanta kunware sa tenga ng bata pero bastusin para sa mga matatanda. Igiling mo beybeh!)

"Celine Dion in Celine Dion presenting Celine Dion" - para kung sakaling walang celine dion soundtrip ang bus.

Destiny’s Child Beyonce Beyonce Beyonce lang”- dahil di mo kilala sino yung dalawang chuwariwap na kumanta ng “I know that he loves me coz he told me so… I know that he loves me coz my doodoo show”

"Di ko alam bat dinownload ko ‘to" - Bakit nga ba? Bakit? Pero di mo madelete. Naging kayo ba? May past kayo? May pinagsamahaaaaaaan? 

"Frozen Forevaaah" - Utang na loob magiisang taon na ang Frozen…. let it go.

"Sinampay, Natuyo, Tinupi " - Mga nanalo o nakilala sa reality shows itinapat sa mataas na sikat ng limelights… sinampay! Naiwan…. natengga…. natuyo! At asan na…. nawala….. tinupi! :( #ParangFeelingsLangNgTao

"WENGK GWOOOOH CHUT CHUT BRRR" - Dubstep at EDM na kapag tinanong mo friend mo kung narinig nya ba ang isang kanta ay di mo na kailangang mag tunog tao at gumawa ng eksena para iparinig sa kanya.

Ikaw, ano ang playlist mo? 

4 September 2014

Luhaan! Sugatan! Pero may pakinabang!

Dati noong bata ako, kapag may sugat na may naghehello na laman ay madaming kwento ang sinasabi sa akin. At ilan sa mga ‘to ay…

1. Pari

Yes, pari as in father in english. Joke! Priest kasi talaga, pero di ko nabuburahin dahil sa buhay wala namang backspace para i-correct ang mga kamalian mo. Walang hugot, wag mokong husgahan. Balik nga sa pari, dati naniniwala ako! At naisip ko at least may isang parte sa sarili ko ang naging banal. WHAAAT! Iniisip ko, baka blessing yun, baka itaboy nya ang mga bad spirits, mga invisible na insekto kapag nasa kama ka at kung ano ano pa.

Kaya pagkalaki ko ay naging emo at laslasero ako para mas maraming pari, the better. Joke! 

2. Tren

Ewan ko anong pauso ng tita ko at may tren daw na lalabas. Pwede ba, kung may tren man eh bat walang “choo choo” sounds. Like duuuuh, I think naman kaya. WHAT. Sabi daw ni tita, ang EDSA ay ipinangalan sa isang tao tas siguro heartbroken yung tao kaya nagsinglabasan ang mga tren sa kanya at naging rason bat matrapik sa EDSA. Same din daw sila ni Recto. So naisip ko, siguro may something sila dati. Siguro sila tas di pa tanggap ng lipunan kaya ayun nag-ala Romeo and Romeo. #Conspiracy #AlamatNgTraffic

3. Kanin

Eto ang naririnig ko sa lahat talaga at dati nga na may sugat ako ay may puting lumabas. Alam kong hindi kanin yun pero imagine the possibilities! Wala nang mahabang pilahan para sa NFA Rice! Pwede nang magexport! Wala nang batang magugutom! At ang pinakamagandang rason ay….. Wala nang magsasaing! Kanin na agad, oh diba!

(Pero ang morbid isipin mo diba. Blood! Blood! Blood!)

Tapos ngayong matanda ka na, ansarap balikan ng ganyang alaala. Imaginin mo ngayon na ang sugat na dala ng pag-ibig ang natatamo mo ay wala ka nang kinakatakutan na lalabas pa. Dahil wala na siya. Iniwan ka na. Wala nang bawian. Peksman. WHAT.

Kaya kanina para ibalik ang tradisyon, nang nagkasugat ang pamangkin ko….

"Lalabas jan si Mamang! (Lola sa tuhod namin) Nakikita mo yang puti na yan? Lalabas siya jan mamayang gabi jan at magtatanong ng math. Pag di mo nasagot, kukunin ka!"

…. at ayun nga syempre diba sino bang naniniwala doon.

Pwede ba.

..

.

May mathbook lang naman siya sa tabi niya sa kama.

Sarap talaga maging Pinoy. LOL

25 August 2014
Paano magka-kanin-na-lang-ang-kulang pictures. Oh yeah beybeh!

1. Ngumanga. Pramis, may banaue rice terraces akong itinatago pero kapag ngumanga ka magiging patag na lupa yan. Try mooo!

2. Para pumuti i-tapat ang ilaw sa mukha mo. The closer the better. Yes! Yan ang tinatawag na flashlight effect. Magmumukha ka nga lang moomoo pag sobra.

3. Humiga sa kama tas dapat perpendicular ang camera sa katawan. Gumamit ng protactor kung kinakailangan. Kung di mo magawa, oks lang. Walang perfect na tao, kung meron sana di ka niya iniwan.

4. Maghilamos, maawa ka samin. Wag mong ipadama na asa mukha mo ang solusyon sa krisis sa krudo.

5. Wag maniwala sa “Ang taong pangit, sa wacky kumakapit”. Bagkus maniwala sa "Ang taong pangit, sa wacky man kumakapit, at least ang picture ay di puro edit"

6. Kung machubby chubby, alalahanin ang: “Aanhin mo ang katawang pang-benchbody kung mukha lang ang nakikita sa I.D”. Sa mukha mo na i-daan! Odibaaa!

7. Kung mapayat ano…. sorry pero wala akong tips dahil di ako payat. That’s not my problem anymore, it’s your problem anymore. LOL

8. Wag maniwala sakin, may free will ka. Ito’y iyong gamitin, ang dibdib ay wag ipitin.

24 August 2014

Oh anong hiwaga! Oh anong kapangyarihan!

Noong highschool ako not too long ago ay napapa-woooah ako sa mga pagbabago ng mga kaibigan ko. Alam mo yun? Yung tipong may biglang pagbabago sa katawan nila. Yung kaibigan mong ala-smurf sa tangkad na dati mong iniinis noong grade 6 ay biglang naging ala-yao ming pagdating ng high school o yung kaibigan mong ang taba taba taba taba taba ay mataba padin. Oh wait. Ako pala yun! LOL

Ang kwentong ito ay sumesentro (wow) sa Tofiluk. Alam nyo ba yun? 

image

Bale chocolate yan na nakakaloko lang ang pangalan. 

Naaalala ko si first crush, o sige hindi na first dahil saksakan TAYO (oo wag mong ikaila na madami kang crush dati) noong highschool na favorite na favorite ang chocolate na yan. 

Noong first year kami, maliit ang dede niya. (Wow, ganda ng bungad ano?) O sige, "future" na lang. Kumbaga sa tinapay, lumelebel sa otap ang future ni crush. At dahil peyborit nga yon ni crush, araw araw nya yong nginangata. Bawat lunch ay makikita mo ang tofiluk sa kamay niya.

Hanggang dumating ang second year, bale mula sa otap naging “mini keyk” na! WOOOOAH diba? Napansin din iyon ng mga kaklase ko. (Wag nyo kaming i-judge dahil pinaguusapan namin ang size ng dede sa klase, I mean normal lang yun. LOL)

Pagdating ng third year, mula sa “mini keyk” ay ganap na naging cupcake! At bilang mga mabubuting studyante, inalam namin kung may kapangyarihan nga bang magpalaki ng dede este future ang Tofiluk.

So…… pinagkalat ko namin ang secret powers at nagpanic buying ang mga wallflower sa school! Bale wallflower, kasi yung katawan (lalo na ang dibdib) ay walang umbok tas may flower sila so ayun wallflower. LOL

At ang mga nila future ay…..

..

..

..

*some text missing*

Yes, baka text ito na may some text missing. LOL

Wala. Pinaasa ko lang sila. Umasa sila. Ngayon, matatag na ang mga wallflower. Dahil ganon nga siguro sa buhay, may mga taong gising na gising nang nagsaboy si Lord ng… future… at meron ding mga tulog na tulog na tulog. Life is such a bitch ano?

Pero pano nga kung ang tofiluk ay nakakapagpalaki nga? Imagine kung nag P.E kami tas jumping jacks ay magkaka-earthquake diba! Oh anong delubyo!

Ang twist dito ay kumain din ako ng madaming tofiluk. At mula sa bread stix ay may naging french bread. *kindat* *kindat* *labas dila* *kindat*

Lesson: “I-embrace kung anong meron ka. Ika nga, aanhin mo ang katawang ala-Kim Chiu kung kasing cute mo naman si Pikachu?” #MukhangPikPik #este #PikAPik!

10 August 2014

Dad: Anong gusto mong pasalubong?

Me: Kahit ano, camel ganon. Pwede ba? (Nasa Saudi kasi tatay ko)

Dad: Ayan, kaya ka di pa grumagraduate sa Mapua eh.

Me: #MasakitItayMasakit #AnsakitPoPalaKapagSaInyoGaling #SupalpalWithClass #UmiiyakAngPusoKotSumisigaw #ArayArayNakoooooo #LuhaanSugatanDiMapakinabangan #DiKoKayangTanggapin #ParaAkongNagmahalUlitSaSakit

image

 image

8 August 2014

Isang di pangkaraniwang araw.

Minsan sa buhay natin ay magkakaroon tayo ng mga araw na parang ang weird ng mundo. Sa totoo lang, kelan ba hindi naging weird ang mundo? Ang mundo ay isang bulbol, magulo. 

*wining* *wining* *wining* (Special effects yan)

Nagsimula ang lahat sa byahe ko patungong Manila mula Angeles. Sumakay ako ng bus kasi kapag nilakad ko ang kahabaan ng NLEX edi ang payat ko na ngayon. At nang nakaupo nako, napansin ko na ang palabas ay “Corazon: Ang Unang Aswang”. Keeeewl.

Habang pinapanood ko si Erich at Derek na tinataboy ng society ay tumayo ang isang manong at nagpreach siya tungkol sa mundo.

At habang nagprepreach si Manong ay tuloy ang movie….. nagsesex na si Erich at Derek. LOL

AWKWAAAAAARD.

*wining* *wining* *wining*

At nang makasakay nako ng LRT patungong school ay masikip padin as usual. Tumayo ako sa harap ng pintuan at itong isang ate ay nakatayo sa likod ko. Bale back to back kami. Woooow.

May dalang malaking bag si ate at ibinaba niya ito sa lapag dahil tao lang siya, hindi siya si ate shawie na pasan ang daigdig. Pero tingin ko talaga ay may bangkay na laman ang bag. O baka ako lang ang nagiisip. Who knows?

After ilang stations, bilang may kinuha si ate. Bale ganito ang eksena…

image

(Ako yung naka-red. Oo, malaki pwet ko. LOL)

Nagkadikit ang pwet namin ni ate at sumakto ay biglang dumaan ang tren sa isang shaky part ng LRT. Nagmistulang nagtwetwerk si ate at di ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Basta ang alam ko hinuhusgahan ako ng nasa harap ko at nakikita niya ang lahat lahat.

AWKWAAAAAAARD.

*wining wining wining*

Pagkatapos ng aking mga klase ay sumakay nako ng bus pauwi. At dahil wala akong katabi ay ipinatong ko ang bag ko sa aking tabi. Hanggang….

Isang ate: Ading (Nakababatang kapatid in ilokano), may katabi ka?

Me: Can u like not b3h?

Joke.

Isang ate: Ading, may katabi ka?

Me: Wala po. Hihi.

At tumabi si ate sa akin. Inofferan ako ng pagkain na di ko alam ung ikakatuwa ko o hindi dahil pwedeng….

A.) Mukha akong gutom na gutom

B.) Mukha akong kawawa, alms… alms… give me a piece of bread..

C.) Mukha akong mabait

D.) Crush niya ako *kapaaaal*

Umandar na ang bus at nilagay ko ang earphones ko sa tenga. San ko pa kaya pwedeng ilagay ang earphones, next time susubukan ko sa kili kili. WHAAAT. 

Alam mo yung pakiramdam na nilagay mo ang earphones pero di ka naman nagpleplay ng music? Ewan ko bat ganyan ang mood ko hanggang narinig ko ang nasa likod ko.

Isang kuya na kapampangan: Grabe naman ‘tong ate, tinawag niyang bading yung kuya.

At napalingon ako. AWKWAAAAAARD.

At isa lang ang masasabi ko, ang weird talaga ng mundo.

3 August 2014

MMK (Mga Maiikling Kwento) with Lessons! (Oh yes!)

I.  

Si Totoy ang pinakagwapo sa kanilang klase. Napakabait, napakamaginoo, napakamatipuno at may napakaputi at napakatigas na T……… tuhod. At crush siya ng titser niya sa kapnyan (Wooo, chemistry yan! So deep!)

Kinabahan si tits dahil baka bading si totoy dahil masyadong perpekto kaya humingi siya ng sign sa universe. Whoaaaa. Big word.

Humangin sa chem lab at lumipad ang blue litmus paper kay totoy at naging pink. Alam na.

Lesson: Wag manghusga. Malay mo, acidic ang balat ni Totoy kaka-Kojic soap. Pwede ring nangangasim pala siya. Yaaaak!

II.

Si Inday ay may kaklaseng foreigner na kanyang seatmate. 

Foreigner: Do you know that fish sea hair avatar ebola virus add salt and pepper to taste and oh my gahd, is it like yeah?

Inday: Punyeta b3h, eto diatabs para sa verbal diarrhea mo dahil wala ka nang sinabi kundi puro shit!

Ex ni Inday: xhorii na, larb kita ulet b3vii. Ammachains mahn.

Inday: Isa ka pa!!!

Lesson: Magbaon ng madaming diatabs, ang buhay ay madaming shit. Pero para makatipid, magtanong kung may ritemed. LOL

III.

Sa isang malayong bayan mga malapit sa Trinoma (Malayo tas malapit ano raw) ay may isang bayan na lahat ay parang mga tao sa isang musical ngunit kelangan ang kuwit (comma) sa kanilang mga awit.

"Comma-laya lang akoooo, comma-laya lang ako…. ipagsisigawan kong mahal kitaaa~"

-isang preso sa bayan.

"Comma comma comma comma comma chameleon~"

-isang lolo nagcocosplay bilang lion king

"Comma en gert me gert me gert mee, beybi am yows, comma en gert me~" 

-isang malanding pafall at paasa sa bayan

"Commaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa, ako’y tao lang na nagmamahal at natutukso riiiiiin~"

-isang mister na may illegal wife

"At this commaaaaa-fornia king beeehd~"

-isang saleslady nagbebenta ng kama at yan lang alam niyang lyrics

"Commako na lang sana ang ‘yong minahal~ di ka na muling magiisa"

-isang bestfriend sa bestfriend niya 

Lesson: Wala. Walang lesson. Kung nageexpect kang meron, wala talaga. Seksman. Este Peksman pala. Alam ko na, wag ka na lang magexpect.

24 July 2014

Napakasakit, Kuya Vernon: Kihrahrah….. dakilah kaaaah!

Sa isang malayong baryo… baryo…yoyo… yo.. yohhh…. sa isang communidad na malayo sa city… tyty…ty…. ty….. ay may isang babaeng tinutukso dahil sa kulay niya at pagiging jejemon. Ang pangalan niya ay…… Kihrahrah.

At ito ang kwento ng buhay niya, puno ng pait, lungkot, saya, DUGO oo dugo talaga mga 3.1416 million red blood cells, sing tamis ng wine, sing tatag ng sunshine……. Napakasakit, Kuya Vernon.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

Kasalanan bang maging kayumanggi? Kasalanan bang maging iba? Yan ang tumatakbo sa aking isipan. Ano bang kasalanan ang nagawa niya sa mundo at bakit napakatindi ng diskriminasyon na natatanggap niya?

Araw araw, lahat na lang ng masasakit na tawag ay natatanggap niya. Mula sa troso, mirabella, ulingling, choco wacko, crinkles (kapag nagpolbo siya), jeje-tim at madami pang iba na kala mo ay naka-unli sila.

Ipinanganak kasi siyang may genetic disease kung saan naapektuhan ang pagsasalita niya. At ang sakit na ito ay parang champion, iisa lang ang champion at tanging siya lamang ay may ganito.

Namuo ang galit sa puso niya at balang araw ay maghihiganti siya sa lahat lalo na kay Jose Ricardo (Lakas makatelenovela), ang lalaking hobby ang laitin siya.

Ganito sila araw araw…

Jose Ricardo: Pangit ka, alam mo yun? Ako alam ko.

Kihrahrah: 3h yAhn luunG aLuhm muU? B0b0 kuh pLuh!

Jose Ricardo: Pangit ka! Jeje ka padin!

Hanggang sa isang normal na araw, ay nagpa-upo siya ng isang matanda sa LRT. Oo, may LRT sa baryo namin, kami nagpagawa. Maitim at jeje ako, pero mayaman naman. Yes!

Matanda: Dahil may busilak kang puso, igragrant kita ng isang wish!

Kihrahrah: Di koh na puh kaya, mxakeet nah. Araw araw na lang. Kumbagah xa LRT, yung speaker kasi di cu sila maintindihan. :(

Matanda: Sabi ko magwish ka, andami mong sinabi. Nyeta.

Kihrahrak: Guxto qo, lahat ng h8terx cuu ay maHmahtAy! Kah3et iALhay cuu kaHluLuhwA cuu.

Matanda: Ayaw mo bang pumuti?

Kihrahrah: Nahgtanuuung kah paH!!!

Matanda: Pikit ka.

At nang pumikit si Kihrahrah at nang idilat ang mata ay nasa kama siya sa bahay. 

Kihrahrah: Panaginip lang pala ang lahat….. O… D…. K! Bat ganito ako magsalita! Shet, kelangan kong manalamin baka maputi na ako!

..

..

..

At maitim pa din siya. 

THE END.

Lesson: Ang buhay ay parang skip train sa LRT, paasa.

Joke!

Nanalamin ang ating bida at naging taong tsokolate siya. Yung para bang sa commercial ng axe. Nagbago lahat, pagdating niya sa eskwelahan, tila lahat ay nagustuhan siya… pati si Jose Ricardo.

Jose Ricardo: Hi, ang sarap mo tignan….. tikman kaya kita?

(WHAAAAAT! SPG PALA ITOOO!)

Jose Ricardo: Uy, sorry. Pasensya na Kihrahrah.

Kihrahrah: Suck my D!

Jose Ricardo: Akina!

Joke!

Jose Ricardo: Sige na *smile* *kindat* *nguso* *kindat* *labas dila* *kindat*

Kihrahrah: under my dead chocolate body!

Jose Ricardo: Ahhhh, ganon pala!

At kinain ni Jose Ricardo si Kirahrah. Pati lahat ng haters, kinuha ang body parts niya na kala mo may nahulog na isang milyong piso sa lugar na iyon. Ang iba, kinuha ang braso ginawang cake. Ang kamay ginawang shake. Ang lips tinunaw at ginawang syrup.

Hanggang….

..

..

Naging normal na body parts ang katawan ni Kihrahrah at nagsigawan silang lahat.

(Yak, isipin mo yung cake, shake, at syrup naging dugo! Gore! Blooood! Lalo na si Jose Ricardo… tumili si gaga.)

Pero hindi ito kwento tungkol sa mga kaaway niya, kundi kwento ni Kihrahrah. Dahil kapag nagmulto siya at magsusulat sa salamin gamit ang dugo…..

"pAhpAhtuUhy3en ke3taAh!"

…ay walang sumiseryoso sa kanya.

Napakasakit, Kuya Vernon.

15 July 2014

#NutriJingle

Noong highschool ako not too long ago ay bibo kid ako sa mga school events.

Mula sa speech choir ng english month, cheerdance ng intrams (kung saan ginagamit ang malapad kong likod sa stunts), buwan ng wika singing contest, math hataw a.k.a sasayaw ka tas biglang bubuo ng isosceles pyramid with perfect angles at kung ano ano pang ganap ay sinasalihan ko. Malaking bagay para sa akin ang pagsapit ng month of July dahil ito ang panahon ng isa sa mga pinaka inaabangan kong event sa school….. ang nutrition month. (Oo, game peys on ako!)

At sa nutrition month ay di mawawala ang highlight ng buwan, ang dah~ DAH~ DAHHHHH~ *wining* *wining *wining* Nutri Jingle!

Ang nutri jingle ay ang pitch perfect battle namin noong highschool kung saan hataw kung hataw, kanta kung kanta, palakihan ng talong! (Na ginagamit sa costume) ang labanan.

Sa labanang ito, basta masingit mo ang salitang gulay ay pwede na! Exampol ay ang peymus na  "Humanap Ka ng Panget ni Andrew E."

"Kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay, kumain ka ng gulay at ibigin mong tunay! Isang gulay, na pwedeng brown o kulay green, gulay gulay gulay gulay inyong kainin!

At ang “Sumayaw, Sumunod” na naging…

Ngumanga, sumubo ka ng gulay natin ngayooooon~ Kasabay ng mga gulay sa ‘ting panahooooon~

O kaya ang Halleluja ni Bamboo na di nakatakas sa ganyan na dinagdagan ng potahe:

"Wo-oo-HOOO-ooo. Kaaeeen ka-ha-yo, nga ng Gulaaaay! Saging saba, pritong mani! Sinigang, kare kare! Kaaeeen ka-ha-yo, nga ng Gulaaaay! Kaeeeeeeeeen, en! en! en!"

Di lang yan sa OPM pati ang mga sikat na kanta noon pinapatos. Exampol nito ay ang kantang “Girlfriend” ni Avril Lavin… Lavigne… Lovin…basta yung punks na babae.

Hey! Hey! You! You! Kumain ka ng Junk Foods! No way! No way! ko’y maging lumba lumbaaa~

Tas meron ding gaguhan lang na kanta tulad ng nauso dati na "Crazy Frog":

Ten ten, ten-ne-nen-ten-ten / Ten ten, ten-ne-nen-ten-ten / Ten ten ten, tenen tenen, ten teeeeeeeeen…. Bilbil! 

(Ang effort ng bawat ten ay tinaype ko)

And guess what, kapag sinabi ang Bilbil ay itataas ko ang shirt ko noon. What is kahihiyan!

At siyempre kapag breastfeeding ang theme ay kelangan mo ding ipasok yun kung saan ang kantang "Makulay ang buhay sa sinabawang gulay" ay naging…

Breastfeediiiiing~ (Breastfeeding), Kelangaaaaan~ (Kelangan), Kelangan… ni daddy…. ESTE ni baby… para maging healthy!

At di rin mawawala ang nursery rhymes tulad ng "Row row your boat"

Go, Glow, Grow ang foods. Dalin mo sa condoooo~ Magulat ka, magulat ka’t me mambubugbog sayoooo~ 

ESTE

Go, Glow, Grow are foods. Shove it in your throat! Masiba ka, ina mo rin! Ikaw ay mukhang gooooat~

ESTE

Go, Glow, Grow ang foods, chichirya’y iwasan. Lulusog, lulusog, lulusog ka, at papayat pa niyaaaan~

Di rin mawawala ang kanta ng sexbomb….

Apir tayo, sumakit ang tuhod ko. May rayuma daw ako, magarthro! Arthro! Arthroooo!

(Oo, uso kasi yung Arthro dati sa commercials lalo na sa Unang Hirit o Umagang Kay Ganda LOL)

Pati nga commercial ni Jamby Madrigal, hindi pinatawad masingit lang ang Junk Foods….

Ja-ja-ja-junk foods, ja-ja-ja-junk foods bawal yan! Breket daw yown! Mahal kita sincerely yours chupeta s2pedd!

Hindi pa uso ang pitch perfect o Glee noong panahon ko, pero masasabi ko na dahil sa nutri jingle ay naging musically inclined at confident ako ngayon. P.S Kami ang district champion ng Angeles noong 2009, suck our D—-!

10 July 2014

Paano kung naging gulay ako?

Naexperience nyo ba noong bata kayo na magcocostume kayo bilang gulay at magtutula sa stage kapag nutrition month? Pwes ako hindi.

Naimagine ko ang sarili ko kung magaaudition ako para sa nutrition month. Bale ganito siguro ang audition…

*suot costume pechay*

image

Gusto nyo bang i-try? Ang aking pechay!

Ito ay masarap, di ka mauumay.

Gusto mo bang i-try ang aking pechay?

Sa sustansya at sarap, di ka mananamlay!

Pero ampanget, so iba na lang naisip ko….

*suot talong costume*

image

Ang sabi daw nila, masarap daw ang talong.

Ang sabi ko naman, kumporme sa talong. 

May tunay na talong at may pekeng talong,

ang tunay na talong, tumitigas, tumatayo!

Pero ambantot so na-isipan kong ibahin…

*suot costume itlog*

image

Ang itlog, di mo alam sa german.

Di mo alam sa french, at di mo alam sa japanses.

Pero alam mo…

Sa latin.

Pero di ako confident kaya papalitan ko ulit!

*suot kangkong costume*

image

Alam mo ba kung ano ako?

Ka… ka… kang..kang…kong!

Para healthy parati, kumangkang tayo! 

At nang naisipan ko nang maging carrots, naghesitate ako. Bakit? Kasi….

image

Goodbye na lang siguro sa pangarap ko.

4 July 2014

Awit ng buhay ko…. Do-re-mi-fak-si-yet-ka-ga-gooo! ♫

Di natin mapagkakaila na madaming singers sa Pilipinas. Kung ba sa bawat  kanta ng isang tao ay makakaproduce tayo ng energy edi wala nang kakulangan sa supply ng kuryente sa Pinas! Diba! Tas pwede natin itong ibenta at yayaman na tayoooo! Pwede mo nang bihin si Taylor Swift, her friends and even this club! Waaaht!

Oo na, may mga gising na gising noong nagsaboy si Bathala ng kagalingan sa pagkanta, may mga partially gising at may mga tulog (Wawa naman!) Pero at least, karamihan naman sa lahi natin ang nasa tono kahit papano. Basta nasa tono, puuush!

Ang akin lang naman, kapag kumakanta ka ay may mga nakakainis lang na scenario na gusto mong sabihan ng:

image

1. Kapag sinabi mong singer ka, sasabihin agad…. SAMPOOOOL!

Ito ay isa sa mga dahilan kung bat ayokong sabihing kumakanta ako. Pwede ba world? Could you fucking not? Edi sana kapag ”Ay magaling ako sa math” ang sasabihin ay… ge nga solve mo itong problem na ito! 1maeko + 1maeko equals? Edi 2maeko. (Joke intended)

Bat yung mga actors hindi pag acting-in o dancers di pasayawin on the spot o yung visual artists di pag painting-ingin o yung mga mananahi hindi magcross stich in 2 minutes tas boom! May isang “God Bless Our Home” ka na, partida naka frame pa!

Oo na, ito kasi ang pinaka accesible na talent pero isipin nyo naman kasi ang kundisyon ng tao kung inuubo ba siya o kung hindi siya kumportable sa mismong panahon na yon. At lalo na kung nahihiya siya. Di rin naman jukebox o ipod ang mga singers na agad agad kakanta. Siyempre may "Song Black Out" kami na kapag ganyang biglaan ay maeerase lahat ng alam naming kanta.

2. Kapag sinabi mong ayaw mo sasabihin nila na andamot mo sa talent mo.

Please lang, tao din kami at may personal na rason bat ayaw nilang kumanta. At wag niyo kong simulan na pinagdadamot ang blessing dahil di rin naman ng blessing ay binubuyangyang. Eksampol malaki dede mo, ipakita mo sa world! Gooo! Debiro, issue kasi yan ng confidence O kung kumportable nga yung tao.

3. “Oh, kumanta ka na! Dali!” kapag may event.

Reunion, school program, group activity at kung ano ano pa. Mukha ba kaming cellphone na isang pindot lang ay go na agad kumanta? Wala man lang preparation? Tas saka kayo madidisappoint kapag di maayos ang kanta. Can you fucking not?

4. Ay bat di ka mag-audition sa ganitong contest oh?

Di lahat ng magaling kumanta ay gustong mag artista o sumikat. Kanya kanya yan ng pangarap. At ang isa pang rason ay ang feeling na may mas magaling pa sayo at ang rejection kapag nalaman mong di ka good enough. Masakit kaya mareject pwede ba! Pero kung pangarap mo yan, edi habulin mo pangarap mo!

5. Tutal singer ka edi dapat magaling kang mag-english!

Oo aware kami na dapat maayos ang bigkas ng salita lalo na sa panahon ngayon na konting mali lang ay napapansin na ng tao at ang masama pa ay tatawanan ka. *Ehem senyora mango flute* pero tao lang kami saka pano kung mas trip mo kumanta ng tagalog? Can you fucking not?

6. Bat wala kang sound cloud?

Requirement ba? LOL. Kasi kapag matalas ang tenga mo ay mapapansin mo ang konting mali, konting sharp, konting awkwardness sa paghinga at kung ano ano pa na mauuwi sa idedelete mo ang recording.  Nakakaconscious kasi lalo pa’t madaming tao na ang may matatalas na tenga. Although may mga iba na itinutulak padin nila ang pagpost, meron pading mga katulad ko na gustong kumanta ng live para naipapadama mo ang emosyon na gusto mong ibigay. Para wala na ding auto tune na uso ngayon sa mga recordings. (Alam niyo yaaaan!)

7. The Bakit-lahat-na-lang-ginagawan-mo-ng-harmonization?

Hindi ko din alam kung bakit pero isa siyang masayang bagay na gawin. Parang feeling kapag najejebs ka tas pagkadating mo sa bahay ay nailabas mo. O kaya yung satisfaction kapag nangungulangot ka. Sadyang lumaganap lang ito at naging mainstream nang sumikat ang pitch perfect pero bakit ba? As long as hindi disturbing at nasa tono naman at nageenjoy ka, anong mali diba? 

Sa totoo lang madami pa yan, tulad ng “Sakitin ka kasi singer ka” at iba pang fuck logic na mga scenario pero ang gusto ko lang na sabihin dito ay tao lang ang mga magagaling umawit. Iba iba yan ng trip, iba iba ng gusto pero sana nga lang hindi itinuturing na parang gamit at di prinepressure in a bad way. 

Wow, ang deep! #WalangHugot

24 June 2014

Sige pa beybeh, ibaba mo lang….. Coin slot ng kababalaghan!

Nakikita mo yan….akala mo dibdib pero nasa puwitan! Isa yan sa mga kahindik hindik hindik hindik hindik hindik na pwede mong makita. Ang coin slot of deaaaaaath! *kulog*

Hindi man sinasadya yan, di mo alam kung anong pwersa ng universe ang nagpapa-hello sa ganyan. Ang masama ay di tayo aware na nagaganap ito, parang corruption o global warming ang peg. (Wow, so deeeep!)

Sa totoo lang, meron bang taong sinasadya nilang ipakita ang cleavage ng pwet nila? Yung tipong gigising siya sa umaga at sasabihing “Uy! This is the day! The day is here! Here is the day! Kumbaga sa bahay ni kuya, lalabas ka na sa outside world! Do you feel any pressure right now? No! Sir! No! Yahoo!”. Tingin ko naman wala….. unless hidden desire mo yun.

Madami akong naiisip sa ganyan. 

1. Ang feeling na gusto mong magshoot ng barya, yelo o papel doon. Don’t get me wrong, Dibaaaaa ako’y tao lang na nagmamahal at natutukso riiiiiiiin~ 

2. Dapat yan ang exampol ng downy scent switcher. I-rub mo lang ang kamay mo doon, iba na ang scent! 

3. Gusto kong drowingan ng tig isang bilog ang bawat pisngi ng pwet para magmukhaaaaang…… “:3”

4. Di kaya naistress ang pwet nya? Kung ang mga babae nakakadama ng OH-YEAH-GINHAWA-AT-LAAAAAAAAST kapag nagtatanggal ng bra baka ganon din ang logic? Isipin mo may nakabara sayo na underwear at pantalon / shorts. So sopokeyting! Sabi nga nila “Pa-singaw”.

5. Baka pinapangalandakan nitong ate / kuya ang hashtag na “#NoFilter” kapag umutot siya. Walang sasalba, purity at its finest! Walang labis, walang kulang!

6. Siguro may pinaglalaban na karapatan ang cleavage sa pwet. Puro boobs lang ba ang may karapatan? Equal Rights! Equal Treatment!

7. Baka naniniwala ‘tong ate / kuya sa prinsipyong “Lerit gow…. lerit gowww….. ken holit bak anymooooore~ da kowld nevah bouldered me eyniwayyyy~”

8. Baka underwear lang talaga ang ipinapakita ni koya / ate pero tulad ng mga bagay sa buhay, ano mang labis ay masama. (Wow, so deeeep!)

9. Baka ad campaign ito ni Gordon sa eleksyon! Remember yung batang walang butas sa pwet? Baka isa itong propaganda shit. ODK (O Diyos Ko), diz is a konspirasy! 

10. Baka dito tayo makakakuha ng ammonia at magiging export product na ito ng bansa. Oh yeah! Yayaman ang Pilipinas! #MahalinAngBansa #AngMgaPantalonIbaba

11. Kagagawan ito ng illuminati.

image

See? Yung dalawang pisngi ay kakabit sa t-shirt at magiging triangle. Sabi ko sa inyo! Illuminati talaga itoooo! (Wag i-judge ang drawing ko, oo malaki gap ng pwet nya kasi nagaway sila dahil sa mang juan)

Hindi ko tunay na alam kung anong misteryo bat nagaganap yan. Ang ginagawa ng iba ay magsusuot ng boxer shorts para di lumitaw si b1 at b2. Pero isang bagay lang ang sigurado….

"Kahindik hindik man sa paningin, mas okay na kesa umutot at ‘yong amuyin"

Isang patunay na di lang kape ang puro, utot din. #NoFilter

19 June 2014

#Sabaw

Naexperience niyo na ba yung pagod na pagod ka na kaya tinatamad ka nang maglakad? Ganyan ang naganap sa akin kanina habang ako ay pauwi sa amin. Para bang pasan ko ang daigdig… WHAAAAT! O sige, para bang isang buto ng bulalo na sinupsop ang kanyang laman at itinapon sa isang tabi. (Wow, ang deep!)

Nakakatamad. Nakakatamad maglakad kaya kung saan na gumegewang gewang ang aking mga tinouch ni belo na kamay. Baka belo? Mas mukhang nahulugan ng Barbell-o. What! 

At sa di inaasahang pangyaari kanina ay tumama ang aking walang bahid na malisyang kamay sa dede ng isang ate.

Oo, boob slap talaga!

At ganito ang nangyare kay ate…

image

De biro lang!

Tumama ang aking kamay at bigla kong narealize kung anong bagay ang nagawa ko! Paano na pag naging artista ako, baka sabihin niyang hinarass ko siya! Anong sasabihing ng pamilya ko! I’m a failure! What.

Dali dalian akong nagsorry. Yung oh-diyos-ko-di-ko-sinasadya-biglang-nangyare-wala-akong-ginagawang-masama-it-was-an-accident-patawarin-mo-na-ako-please-di-mo-ba-mahahanap-sa-puso-mo-na-patawarin-ako-kung-diyos-nagpapatawad-paano-ka-pa-na-likha-niya sorry.

Me: Ay, Sorry!

At nagulat ako sa sinabi ni ate…

..

..

..

Ate: Thank you b3h. Boob slap pa more!

Joke lang yung b3h pero masayang “Thank you” talaga kasi ang pagkasabi?! Di ko alam kung natuwa ba siya, o may dinadalang problema at isang boob slap lang ang katapat niya pero ang alam ko talaga ay dalian siyang tumakbo habang tumatawa. Baka narealize nya kung ano ang sinabi niya?

Parang ako lang dati kung saan sa jeep.

*Kausap ang sarili*

Me: O sige Vernon, sasabihin mo “Para po sa tabi” ha? Yung mababa para di ka pumiyok.

Me: Okay mahinang practice. Para po sa tabi… Para po sa tabi…

Driver: Oh, City hall jan?

..

..

..

Me: Thank you po sa tabi!

Me: Thank you po ate sa pagabot ng sukli. Da best ka talaga! WOOH!

Panindigan ko na diba! At least nakapagpasaya pa ako ng iba!

Kakaiba talaga ang mga tao kapag wala sa sarili no? May mga bagay na  bigla mo na lang maiisip na “Bat ko ginawa yon?” pero sabi nga nila:

"That’s the thing about being sabaw, it demands to be felt."

 
1 of 39
Muling Ibalik!